Tuesday, December 8, 2009

100 Signs na Ikaw ay Isang CALL CENTER AGENT



Isang daang senyales na ikaw ay isang CALL CENTER AGENT

1. dahil halos di na kayo nagkikita ng nanay at tatay mo, an tawag na nila sayo ay "boarder" at sinisingil ka na nila sa upa mo.

2. pag sa sagot ka ng telepono, lagi na lang may opening spiel... example: toot .... thank you for calling (the company) this is (your name) how may i help you?

3. eksperto ka na sa power nap, yung mga 15min break nyo, itinutulog mo na lang para fresh pagka kolls uli, mya na yung 1 hour nap.

4. di mo na alam bumiyahe pag may araw, nalilito ka bakit andaming tao, at bakit di na dumadaan ang dyip dun sa mga kalsada na 1 way.

5. marami ka nang naiipong jacket... nakakahiya naman kung pare-pareho jacket mo araw-araw at super ginaw naman pag wala.

6. sanay kang maglaka-lakad ng nakamedyas.

7. an tawag mo sa mga friends mo...dude, bro, coach,tl, sup.

8. di na dugo ang dumadaloy sayo... kape.

9. pinepeke mo na wag maging slang pag nagbabayad ka sa tindahan o kaya sa jeep para wag akalain na pasosyal ka... masama pa, mas panget pakinggan.

10. tadaaaaa! nag sasalita ka sa pagtulog mo, pati kols mo napapanaginipan mo.

11. pumuputi ka na dahil di ka na naaarawan.

12. sanay ka nang matulog kahit maingay sa loob at labas ng bahay nyo.

13. kinalimutan ka na ng mga kaibigan mo dahil existing ka lang pag tulog na sila.

14. sanay ka na sa mga prank callers at mga death treats na nakasulat lang... sa dami ba naman ng ma-encounter mong ganito gabi-gabi sa trabaho eh.

15. di ka na sanay sa traffic. papasok at pauwi sa trabaho walang traffic.

16. di na tama ang oras ng pagkain mo. breeakfast mo ay hapunan na. lunch mo sa madaling araw. dinner moi pag uwi mo sa umaga.

17. lahat ng kasabay mo sa jeep pag papasok ka, pagod na. ikaw lang ang bagong ligo at bagong gel.

18. maski sa bahay, mabilis kang kumain.
19. nde ka na kilala ng aso nyo

20. ayaw mo na mag-jeep. kailangan taxi or kaya aircon na bus.

21. wala ka nang alam na balita.

22. nahihiya kang magpunta sa mga reunion lalo na't alam mong successful lahat ng
ka-batch mo.

23. sasabihin mo field ng trabaho mo IT, di call center.

24. nasusuka ka na pag nakita mo ang pc sa bahay nyo..

25. sasabihin mong tech support engineer ka, pero rep ka lang..

26. pag payday... olats lahat sweldo ng mga kaklase mong board passer. (8k per month lang sila) isang kinsenas mo na yun..:P

27. pag day off mo n lang ikaw nkakapaanood ng Eat Bulaga

28. Nde mo na kilala ang mga bagong artista.

29. nde mo n alam itsura ng mall...

30. di ka na maebs sa bhay, sanay ka na sa cr ng 5th floor or ibang floor.

31. madalas kulang gamit mo sa bahay dahil nasa locker

32. ayaw mo nang pumasok sa internet cafe!

33. alam mo kung sino si Avaya at si Nortel

34. sanay ka nang pumasok ng bagong gising... kakabangon lang galing sleeping area.

35. maglo-lock ka ng pc kahit sa bahay na. pag pndot mo ng CTRL + ALT+ DEL iba ang
lalabas.

36. sanay ka ng kumain sa harap ng pc mo kahit nsa bahay.

37. papasok ka sa ofc na nka-jeans, tshirt and cap astig!)

38. mas malaki sweldo mo sa mga ka-batch mo, nagkakanda-kuba na sila sa trabaho nila

39. puro ka-age mo mga ka-opisina mo, walang old maids and DOMs!!

40. mabilis k ng mag pabili ng corn bits at chicharon sa ermats mo...

41. nakapanood ka na ng rally sa Ayala

42. pag nakakarinig ka ng Kaching!!! akala mo may mail ka na dumating. hehe

43. nakita mo na lahat ng klase ng vendo machine

44. dito sa opisina mo nararanasan na napakabagal ng oras!

45. lahat na ng rason para umabsent nagawa mo na

46. sanay k na makarinig ng napakalakas n pag singa ng sipon.

47. marami ka ng naipon na microwavable container

48. marami kang ketchup packs galing mcdo at julibee

49. pag nagkukwento ka sa mga barkada jargon lahat. di nila maintindihan ang ibig
sabihin ng ticket..

50. hindi ka na sanay umakyat ng hagdan

51. pag gumagamit k ng cr,, d ka na nagpa-flush.. kc akala mo kusa n lulubog ebs mo.

52. sawa ka na internet kasi sa trabaho panay ang browsing..

53. during office hours, hindi ka lalabas ng building ng walang dalang relo. baka
ma-OB.

54. akala mo mo may sarili kang locker sa bahay nyo.

55. marunong ka na makipagsagutan at makipagbarahan ng english

56. sanay ka ng magyosi o umidlip pag alas dos at alas kwuatro ng umaga

57. dito ka na makakakita ng gf, bf, or asawa. Minsan kabit pa. wala ka ng time
maghanap sa labas.

58. pag may problema ka sa pc mo, una mong ginagawa ay clear cache at cookies.

59. nanghihingi ka pa ng baon sa nanay mo kahit mas malaki sweldo mo sa kanya..

60. nang ho-hoard ka na din ng tissue sa bahay

61. kala mo libre ang kape sa select...

62. libre parking mo sa building, klasmeyts mo nagbabayad araw-araw ng parking.

63. pag nag cr ka...sanay ka na sa gripo na automatic at toilet bowl...

64. nakaipon ka na ng mouse ball sa bahay

65. nagulat ka ng masabi mo ang opening spiel mo habang nagbabayad sa jeep

66. naka id ka pa kahit nasa jeep

67. kaya mong tiisin na nde palitan ang damit mo ng 16 hours



68. pagtinanong ng mga ka tropa mo kung ano ang sinusupport mo... sabihin mo payment
online (hahahaha!) kasi pag sinabi mong PayPal, hindi nila alam yun.

69. mas sanay ka na mag Ctrl+C & Ctrl+V at nahihiya ka na ngayon mo lang nalaman yun.

70. madalas mo harangin ang mga calls

71. Nasanay ka nang may katabing TL na hindi umuuwi. pagpasok mo nandun na. pag-uwi
mo nandun pa rin.

72. kahit may malaki kayong speaker sa bahay gusto mo pa din naka-earphones!

73. gusto mo nang lumipat sa makati

74. nung pinasok ng akyat bahay ang bahay nyo, magsisigaw ka ng HACKER!!! HACKER!!!

75. minumura mo pag nakatalikod kahit sinong amerikano na makita mo. yan ung kausap
ko kanina!!!

76. pag tinatamad ka tumanggap ng tawag, matapang ka na at alam mo na ang gagawin:
RELEASE!

77. puro kalyo na ang wrist at daliri mo

78. sanay ka nang makipag-usap sa telepono sa bahay kahit malakas ang TV. sa office
parang limang na TV ang nakatapat sayo habang may kausap.

79. pumasok ka na ng puyat, lasing at gutom

80. may picture ka ng nakasuot ng headset

81. sanay ka nang matulog ng dilat ang mata. ndi pwede pahuli.

82. lahat ng style ng pagtulog maiisip mo.

83. lahat ng kaibigan mo may christmas vacation ikaw wala

84. mas gusto mo na mag warm transfer sa ibang department para makatulog ka habang
naka-mute at nakikinig sa usapan nila

85. yung ex mo may kasama ng iba
86. lahat ng holiday pumapasok ka kasi double pay malaki ang bayad.

87. d2 ka n sa opisina nakabili lahat ng gamit mo: kwintas, sabon, shampoo, tocino,
longganisa, hikaw, magazine, aso, libro, tshirt, prepaid card, eload, dvd, vcd,
yema, corn bits...

88. d2 ka na nasanay kumain ng pagkain na luto sa microwave

89. palaging matabang ang kape sa office.

90. imposibleng hindi ka pa nakatanggap ka na ng memo

91. gusto mo na den bumili ng water dispenser kasi pitsel lang ang nasa bahay nyo.

92. nakakausap ka na ng pilipino sa ibang bansa

93. dami mo na naiipon na stirrer (red) galing starbucks kakabili ng kape.

94. nasanay ka nang mgpadeliver ng pagkain.

95. nakakita ka ng artista na nagbebenta ng pgkain sa pantry.

96. dito ka lang makakakita ng pinagsama-samang tinda na: medyas, vitamins,
christmas lights, cologne. yosi, siomai at lahat ng klase ng pagkain, relos,
kalendaryo, stuff toys, make up, kikay kit,deodorant, kwintas, sasakyan, camera,
video, audio, foot spa , milk spa, bags wallet, sinturon, mamon, hamon...

97. d2 ka na expose sa tapa king, zuppa, yellow cab, jugnos, bermuda hotel's pancit
canton, wendy's. north park, starbucks

98. di mo maenjoy christmas party kasi kaylangan mo bumalik sa office dahil may
pasok ka pa ng C shift.

99. ice tea ka lang, mga kasama mo.. beer!

100. may bago kang damit kada sweldo dahil takot ka makarinig na naman na
paulit-ulit ang suot mo.